MANILA, Philippines – Labas at hindi pakikialaman ng Malacañang ang ginagawang imbestigasyon ng Senado kay Vice-President Jejomar Binay.
Ayon Kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., tungkulin ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation.
Magugunitang itinuloy ng Senate Blue Ribbon sub-committee ang imbestigasyon kay VP Binay matapos na hindi ito dumalo sa imbitasyon ng Senate Blue Ribbon Committee noong nakaraang Linggo.
“Nasa pagpapasya po ‘yan ng Senado dahil tungkulin po nila ‘yung kanilang isinasagawa at iginagalang po namin ang kanilang pagiging pantay at hiwalay na sangay ng pamahalaan,” wika pa ni Sec. Coloma.