Chinese trader dedo sa lover

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Jenny Lu, Chinese national, may-ari ng Lucky Power Store matapos na barilin ng umanoy lover nito na si Benson Uy, 55 hanggang 60 anyos, Chinese national.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga  sa loob ng tindahan ng Lucky Power ay dumating ang suspek at matapos  na magsalita ng Chinese ay walang kaabog-abog na binaril ang biktima na tinamaan sa tagiliran.

Nang bumulagta ang biktima ay nagbaril sa sarili ang suspek na kritikal ang lagay sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Show comments