Binatilyo na nakatambay, binaril sa ulo

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 16-anyos na binatilyo nang ito ay barilin nang malapitan sa ulo ng hindi pa kila­lang suspek kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Ang  nasawi ay kinilalang si Jericho Prano, ng  Manapat St., Barangay  Taniong ng naturang  lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:15 ng madaling araw sa kahabaan ng Adante St., Barangay Taniong  ay
nakatambay nang lapitan ito  ng suspek at walang kaabog-abog na binaril sa ulo.

Tumakas ang suspek nang bumulagta ang biktima. 

Show comments