Bebot na HR Manager todas

Ipinapakita ni QCPD Director Joel Pagdilao ang cartographic sketch ng dalawang umano’y suspek sa pagpatay sa HR Manager na si Menchu Gochingco.

MANILA, Philippines - Patay ang isang  Human Resources manager nang  pagbabarilin ng isa sa apat na armadong lalaking sakay ng tig-isang motorsiklo sa Panay St., lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Si Menchu Gochingco, 42, HR manager ng Monolith Construction at residente ng Brgy. Maharlika ay nagawa pang maitakbo sa Capitol Medical Center subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Ayon sa pulisya,  apat ang itinuturing na suspek sa krimen, subalit tanging isa lamang umano sa mga ito ang siyang bumaril sa biktima, at nagsilbing back up ang ibang kasamahan nito.

Ang insidente ay naganap sa tapat ng isang bahay sa no. 9 Panay Avenue, Brgy. Paligsahan, alas 6:10 ng gabi, kung saan papauwi na ang biktima sa bahay nito sa No. 168 Kanlaon st., Sta. Mesa Heights at sakay ng kanyang kulay itim na Toyota Vios (PQW-120) at mabagal na tumatakbo dahil sa sikip ng trapiko.  Bigla na lang umanong lumapit ang isang lalaki at pinagbabaril ito sa ulo ng ilang beses.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Base sa pahayag ng kaanak ng biktima, maaaring work related ang pamamaslang dito dahil ito ang humahawak umano ng mga labor cases ng kumpanya. Narekober naman ang anim na basyo ng kalibre .45 at isang tingga nito.

Samantala, nagpalabas na nang carthographic sketch ang Quezon City Police District ng dalawang suspek sa pananambang sa biktima, isa sa mga ito ay nasa edad na 40, may taas na 5’6-5’7, katamtaman ang katawan; moreno at naka clean cut na parang pulis ang buhok; habang ang isa naman ay may edad 30 pataas, may taas na 5’5-5’6, may katabaan ang katawan, kayumanggi ang balat, at kulot ang buhok.

Show comments