MANILA, Philippines - Kinausap muna bago pinagbabaril ang dalawang lalaki ng tatlo nilang kasama kahapon ng umaga sa Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite.
Namatay noon din ang dalawang biktima na kinilalang sina Arnulfo Cuevas, may-asawa, ng B20, L-17, Brgy. Narra 2, Silang, Cavite, habang ang isa ay nakilala lamang sa pangalang “Ogie”.
Mabilis namang tumakas ang tatlong suspek tangay ang bag na dala ng mga biktima.
Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-11:00 ng umaga ay nakita pa ng ilang saksi na kausap ng dalawang biktima ang tatlong suspek na naglalakad patungo sa van na kulay berde na pag-aari ni Cuevas na nakaparada.