^

Police Metro

2 lalaki timbog sa P4-M shabu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga otoridad ang dalawang lalaki na responsable sa pagpapakalat ng shabu sa isinagawang buy bust operation kahapon ng alas-7:30 ng umaga sa Barangay Salvacion, La Loma, Quezon City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Alimar Sulaiman, 26; at isang 16-anyos na binatilyo na pawang tubong Marawi City at naninirahan sa Quiapo, Maynila.

Nakarekober ang QC Police District Anti-Illegal Drugs ng 15 maliliit na supot ng hinihinalang shabu na aabot sa isang kilo na nagkakahalaga ng P4-M mula sa dalawang suspek na sakay ng Toyota Altis sa Don Ma­nuel kanto ng Calavite Street. 
Nagkaroon pa ng habulan bago tuluyang naharang ang kotse na may conduction sticker na YD 1179 habang sa temporary plate nito ay may sticker pa ng Philippine Army.
Kasama rin sa narekober ang P200,000 cash na marked money.

Ayon kay QC Police Director Sr. Supt. Joel Pagdilao, may babagsakan ng shabu ang mga suspek sa La Loma kaya nagkasa ng operasyon.

 Ito ay follow-up ope­rations na rin umano ito sa pagkakahuli sa isang pulis-Rodriguez, Rizal sa North Fairview, QC noong Lunes ng madaling araw.  Ang pulis umano ang distributor ng shabu sa Fairview area.

 

ALIMAR SULAIMAN

BARANGAY SALVACION

CALAVITE STREET

DON MA

JOEL PAGDILAO

LA LOMA

MARAWI CITY

NORTH FAIRVIEW

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with