^

Police Metro

Anak ni Dennis Trillo, 8 pa sugatan sa banggaan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang school service ang nagsalpukan kahapon ng umaga sa intersection ng Brgy. Lourdes sa Quezon City na ikinasugat ng 9 katao kabilang ang anak ng aktor na si Dennis Trillo. Sa ulat, kinilala ang anim sa mga sugatan na sina Jervin Tolentino, 12; Calix Andreas (anak ni Dennis), 7; Angelo Xeu, 7; Jahai Sarmiento, 9; Kevin Viray Papa, 15; Marvela Viray Papa; at Jerrilito Papa, 45, driver ng isang school service. Habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng dalawang biktima na dinala sa pagamutan. Sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga sa may bahagi ng Speaker Perez at N. Roxas Street, Barangay Lourdes ay minamaneho ni Papa ang Mitsubishi Canter ang service vehicle ng Malayan High School of Science-Pandacan, Maynila (TXF-527) at tinatahak ang M. Roxas galing Mayon patungong P. Tuazon at pagsapit sa lugar ay nakasalpukan nito ang Kia van ang school service ng Xavier school (TWT 945) na minamaneho naman ni Razmur Padios, 24. Kapwa nayupi ang dalawang sasakyan sa lakas ng pagkasalpok na ikinasugat ng mga  estudyante. Kasong reckless imprudence resulting in damage to property at multiple physical injuries ang isinampa sa dalawang driver.

ANGELO XEU

BARANGAY LOURDES

CALIX ANDREAS

DENNIS TRILLO

JAHAI SARMIENTO

JERRILITO PAPA

JERVIN TOLENTINO

KEVIN VIRAY PAPA

MALAYAN HIGH SCHOOL OF SCIENCE-PANDACAN

MARVELA VIRAY PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with