2 sakay ng motor todas sa bangga

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang sundalo at angkas nito makaraang bumangga ang kanilang motorsiklo  sa center island kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Marlon Manrubang, 24, miyembro ng Philippine Army, may-asawa ng Waling-waling St., Sitio Ulandez, Marikina at Kazey Orio, 29, binata ng  Sitio Dos, Libis, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi bago nangyari ang aksidente sa tulay ng Macapagal, Barangay Industrial Valley Complex sa lungsod ay minamaneho ni Manrubang ang motorsiklo (6993-NY) angkas si Orio at binabaybay ang north bound lane ng tulay ng Macapagal nang mawalan ng kontrol sa manibela ang una at sumalpok sa center island.

Kapwa tumilapon ng ilang metro ang layo at
bumagsak na una ang kanilang ulo sa sementadong tulay.

Sinaklolohan ang dalawa ng mga nakakita at dinala sa pagamutan, subalit namatay din ang mga ito.

Show comments