MANILA, Philippines – Patuloy ang paglakas ng Bagyong Paeng na huling namataan sa layong 1,220 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Ayon sa PAGASA, taglay ni Paeng ang lakas ng hanging umaabot sa 120 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kph.
Kumikilos ang bagyo pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 13 kph. Wala namang direktang epekto sa bansa at walang nakataas na babala ng bagyo sa anumang lugar.
Ang pagsalubong ng mga hangin o convergence at amihan ang magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Bicol region, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Palawan, Batangas at Quezon.