Nanay pinatay ng tandem sa harap ng anak
MANILA, Philippines – Sa mismong harap ng kanyang anak na lalaki pinagbabaril ang isang ginang habang sakay ng motorsiklo ng dalawang lalaki na sakay rin ng motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Babasit, Manaoag, Pangasinan.
Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Rebrenda Biador, 43, tindera ng Brgy. Bisal sa bayang ito.
Sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi ay angkas ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak at binabaybay ang kahabaan ng national road ng Brgy. Babasit, Manaoag pauwi na sa kanilang tahanan nang harangin ng mga suspek na nakamotorsiklo na walang plaka.
Agad na bumunot ng baril ang suspek na angkas sa motorsiklo at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang ginang sa ulo.
Hindi sinaktan ng mga suspek ang anak at mabilis na tumakas ang mga ito.
- Latest