AFP pinadidisbar si Atty. Harry Roque

MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y hindi magandang inasal ng grupo ni Atty. Harry Roque sa intrusyon sa Camp Aguinaldo noong Oktubre 22 ay hiniling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na patawan ito ng kaukulang kaparusahan tulad ng  posibleng ‘disbarment’.

Si Roque, ang legal counsel ng pamilya ng  Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude na pinaslang ni US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton noong Oktubre 11 ng gabi sa Celzone Lodge sa Olongapo City.

Kung sakali ang magiging basehan ng ihahaing reklamo laban kay Roque ay ang kawalan nito ng aksyon nang lumikha ng panggugulo ang Aleman na si Marc Sueselbeck, fiancé ni Laude at kapatid ng huli na si Marilou.

Magugunita na noong Oktubre 22 ay nagawang malusutan ng kampo ni Laude ang mga guwardiya sa Gate 6 ng Camp Aguinaldo kung saan tuluy-tuloy ang mga ito sa Mutual Defense Board- Security Engagement Board (MEB-SEB) na kinaroroonan ng detention facility ni Pemberton nag-ober da bakod sina Sueselbeck at Marilou.

Samantala, hindi na ipupursige ng AFP ang pagsasampa ng kaso laban kay Sueselbeck para madeport at nais nilang manatili ito sa kategorya ng ‘undesirable alien’ upang hindi na muli pang makabalik sa bansa.

 

Show comments