Puerto Princesa City Mayor pinagpapaliwanag sa P94.6-M ‘cash advance’
MANILA, Philippines - Humihingi ng paliwanag ang isang grupo kung paano ginastos ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang P94.6 milyon na umano’y “cash advance” nito.
Ayon kay Movement Against Graft and Abuse of Power (MAGAP) spokesman Jonas Siniena ang naturang huge expenditures and disbursements na mula sa pondo ng bayan ay dapat ginastos para sana sa tamang serbisyong publiko at ang anumang masamang intensyon sa uri ng paggastos ay maituturing na corrupt act.
Sa isang listahan na ibinigay sa MAGAP, lumitaw na humingi umano si Mayor Bayron ng kabuuang P51,125,647.79 cash advances para sa taong 2014 at P43,492,100.00 noong 2013 na ipinagkatiwala sa mga opisyal ng lungsod.
Ayon kay MAGAP hindi nila inaakusahan ng pagnanakaw si Mayor Bayron at ang kanyang mga opisyal sa kinukuwestyong halaga subalit, dapat malaman na ang mga malaking paggastos ay dapat bigyan ng tamang liquidation at dapat isapubliko.
Idinagdag pa ni Siniel na ang cash advance ay dapat tumalima sa appropriation ng Sangguniang-Panglungsod na hinihingi ng batas at dapat manatiling bukas si Mayor Bayron.
Dapat ipilit ng mga taxpayers ng Puerto Princesa City na hilingin kay Mayor Bayron at Sangguniang Panglungsod City Council na ilantad sa publiko ang malalaking ginastos sa financial assistance buwan-buwan ng bawat taon dahil ang paggastos ng pondo ng bayan ay malinaw at properly appropriated para maiwasan ang negatibo at mapanirang financial impacts bunga nito.
- Latest