^

Police Metro

Binay bet ni Erap sa 2016

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inindorso kahapon ni dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada bilang presidential bet si Vice President Jejomar Binay sa 2016 presidential elections matapos na itaas ang kamay nito.

Ayon sa tanggapan ng Bise Presidente, naganap ang pagtaas ni Erap sa kamay ni Binay na sen­yales na siya ang sinusuportahan nito sa nalalapit na presidential elections sa paglulunsad ng libro ni dating House Deputy Speaker Arnulfo Fuen­tebella na may pamagat na “Embracing Destiny” sa Tigaon, Camarines Sur.

Kaya’t malakas ang duda ng ilang kampo na tuloy na ang Binay-Erap tandem sa 2016 national elections.

Magugunita na noong ikalawang linggo ng Oktubre habang nasa Kidapawan City sa North Cotabato ang Bise Presidente, sinabi niya na hindi nito inaalis sa kanyang listahan at ikinokonsidera si dating Pangulong Estrada na running mate nito sa 2016 presidential elections. 

Ang pagtaas ni Erap sa kamay ni Binay ay kasunod ng mga kontrobersya at isyu na ipinupukol kay Binay kaugnay sa umano’y overpriced na pagpapatayo ng Makati City Building 2 at ang umano’y tagong yaman nito na 350 hektaryang Hacienda Binay sa Rosario, Batangas. 

Magugunita na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kampo nina Binay at Erap matapos na kumalas ang Bise Presidente sa partido o koalisyon ng huli at bumuo ng panibagong political party.

Magugunita noong Setyembre 25, kinumpirma  ng kampo ni Binay na ang United Nationalist Alliance ay bumuo ng bagong political party para sa presidential bid ni VP Binay sa 2016.

 

BINAY

BISE PRESIDENTE

CAMARINES SUR

EMBRACING DESTINY

ERAP

HACIENDA BINAY

HOUSE DEPUTY SPEAKER ARNULFO FUEN

KIDAPAWAN CITY

MAGUGUNITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with