^

Police Metro

Drug den ni-raid: 5 tiklo

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Limang katao ang naaresto nang salakayin ng mga otoridad ang isang bahay na pinaniniwalaang drug den kamakalawa sa Brgy. Bustrac, Nabua, Camarines Norte.

Kinilala ni Chief Inspector Ruben Dalit Padua Jr, acting chief of police, ang mga suspek na sina Rogelio Fetil, 40; Emmanuel Mirabueno 47; Cesar Solares, 43, kapwa nakatira sa Bato; Venerando Salcedo, 41 ng Paloyon; at  Michael Noble ng Brgy. San Jose, Buhi.

Nakumpiska sa mga suspek ang 3 plastic sachet na naglalaman ng shabu; drug paraphernalias; isang kalibre .45 baril; 1  rifle airgun converted sa caliber 22; 2 steel magazine ng caliber .45;  2 pirasong bala ng 12 gauge shotgun; 13 bala ng caliber 45; 7  bala ng caliber 9mm; 2 bala ng caliber 22; 5 bala ng caliber 38; isang samurai, cell phone na gamit sa transaksyon; 2 black pouch bag na may lamang P19, 125.00.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga nang salakayin ang bahay ni Fetil sa bisa ng search warrant na inisyu ni  Judge Timoteo A. Panga Jr. ng RTC Branch 60 Iriga City, Camarines Sur dahil sa ito ay ginagawang drug den.

BRGY

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CESAR SOLARES

CHIEF INSPECTOR RUBEN DALIT PADUA JR

EMMANUEL MIRABUENO

IRIGA CITY

JUDGE TIMOTEO A

MICHAEL NOBLE

PANGA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with