2 palapag na apartment nasunog

MANILA, Philippines – Nilamon ng apoy ang dalawang palapag ng isang apartment sa naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Sa ulat ng Caloocan Fire Department, dakong alas-8:45 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa apartment building sa may Raja Sulaiman Street, Brgy. 37 at nagmula umano ang apoy sa unit na tinitirhan ng pamil­ya ni Marlyn Esperanza sa ikalawang palapag ng bahay.

Humigit kumulang na kalahating oras bago tuluyang naapula ang apoy at naiwasan na kumalat pa ito sa mga katabing bahay na pa­wang mga yari sa light materials.

Umaabot sa 10 pa­milya ang naapektuhan sa naturang sunog at walang naiulat na nasawi o nasugatan.

Show comments