MANILA, Philippines – Pagtakbo para sa ikalawang termino ay hindi tamang solusyon sa suliranin ng bansa.
Ito ang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino sa general membership ng Semi-conductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation at kanya nang isinasara ang pinto sa pagtakbo muli bilang pangulo sa darating na 2016 presidential elections
“Even there are some quarters that were saying I should try and go for a second term, I don’t think that’s a right solution. We all have a
time card in this world and we have to prepare for the eventuality of being called --- to meet our maker. So there has to be that continuation of people of like mind who will deliver on the promises that are real and not just self-serving or nice, pleasant to hear,” wika ni Pangulong Aquino sa question and answer sa nasabing event sa Manila Peninsula kahapon.
Magugunita na ilang kaalyado ni Pangulong Aquino mula sa Liberal Party tulad nina DILG Sec. Mar Roxas at Caloocan City Rep. Edgar Erice ang humihiling kay P-Noy na muli itong tumakbo sa 2016 elections sa sandaling maamyendahan ang Konstitusyon.