Mister na inaway ng misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Sa umano’y sobrang sama ng loob sa misis nang magkaroon sila ng pagtatalo kaya’t nagawa ng isang mister na magbigti sa banyo ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa  Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Antonio Rez, 39, mekaniko, ng Blk. 35, Lot 14, Green Valley Brgy. Molino II ng lungsod.

Batay sa ulat, bago nadiskubre ang pagbibigti ng biktima dakong alas-5:45 ng umaga ay nagkaroon sila ng pag-aaway ng  kanyang misis na hindi pinangalanan dakong alas-10:00 kamakalawa ng gabi.

Nagdesisyon ang misis na umalis muna ng bahay upang hindi na lumala ang away nilang mag-asawa.

Pagbalik ng misis kinaumagahan ay hindi nito makita ang mister sa kanilang kuwarto at nang magtungo siya sa banyo ay doon niya nakita ang mister na nakabigti.

Show comments