Anak patay, tserman, 1 pa sugatan

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 19-anyos na anak na lalaki ng isang barangay chairman habang siya at isa pa niyang anak na la­laki ay nasugatan matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga kala­lakihan ang kanilang bahay sa Brgy. San Lorenzo, Prosperidad, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinila­lang si Aldrin Dumaguit, habang nasugatan naman si Brgy. Chairman Alejandro Dumaguit at anak nitong  si Elyjean.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang sumulpot sa tapat ng bahay ng pamilya Dumaguit ang pitong kalalakihan at walang kaabog-abog  na pinagbabaril ang bahay na ikinasawi noon din ni Aldrin.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 rifles.- Joy Cantos-

 

Show comments