MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa mga suspek na sina Mangigen Salem, alyas Jake, 47 ng Barangay Nabalauag, Barira, Maguindanao; at Judy Nasa, 39, taxi driver ng Malanday, Marikina City, ang iligal na droga na nakalagay sa plastic bag; Toyota sedan (XNT-305) at dalawang piraso ng P500 marked bills na ginamit bilang buy-bust money.
Sina Salem at Nasa ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sila ay nakapiit ngayon sa PDEA RO-NCR.