^

Police Metro

Miriam: biyahe, regalo, donasyon isama sa SALN

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ni Senador ­Miriam Defensor-Santiago na magkaroon ng panu­kalang batas na maisama sa Statement of Assets Liabilites and Networth  ang mga natatanggap na regalo, donasyon at biyahe sa ibang bansa ng mga opis­yal ng gobyerno sa loob ng isang taon.

 Sa Senate Bill   2431 na inihain ni Santiago, pina-aamiyendahan nito ang Republic Act 6713 na kilala rin sa tawag na Code of Conduct and E­thical Standards for Public Officials and Employees, kung saan sa ngayon ay iisang SALN form lang ang ginagamit ng lahat ng opisyal at empleyado  para mai­deklara ang anumang yaman meron sila.

Mismong ang Supreme Court aniya ang nagsabi sa isang ipinalabas na desisyon na mahalaga ang pagdedeklara ng SALN dahil ito ang nagiging basehan ng gobyerno at ng mga mamamayan sa pag-monitor sa income at lifestyles ng mga opis­yal at empleyado ng gobyerno, para na rin malabanan ang korupsiyon at magkaroon ng transparency sa pamahalaan.

Ngunit dahil sa dami ng nakakalusot sa kasalukuyang SALN form ay maituturing itong hindi epektibo dahil hindi idinideklara ang mga pera at donasyon na natatanggap ng mga taong gobyerno. Kaya dapat ng amyendahan ang SALN form para sa mga empleyadong may salary grade 27 pataas.

Ipinaliwanag ni Santiago na kalimitan ay nagsasabwatan ang buyer at seller ng pro­perty upang maiwasan ang pagbabayad ng mas mataas na buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kaya hindi naide­deklara ng tama ang halaga ng real properties.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CODE OF CONDUCT AND E

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES

REPUBLIC ACT

SA SENATE BILL

SHY

STATEMENT OF ASSETS LIABILITES AND NETWORTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with