^

Police Metro

AFP inireklamo ang German fiancé ni ‘Jennifer’

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpadala ng sulat kahapon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa German Embassy at Bureau of Immigration upang ireklamo ang umano’y inasal ni Marc Sueselbeck, ang fiancé ng pinatay na  Pinay transgender na si  Jeffrey “Jennifer” Laude.

Ayon sa AFP na ang naging aksyon ni Sueselbeck kamakalawa ng hapon ay nang akyatin nito ang perimeter fence ng Camp Aguinaldo na isang paglabag sa Presidential Decree No. 1227, o “Pu­nishing Unlawful Entry into Any Military Base in the Philippines.”

Magugunita kamakalawa na inakyat ni Sueselbeck at ate ni Jennifer na si Marilou ang perimeter fence ng Camp Aguinaldo upang makapasok sa  loob ng pasilidad ng  Mutual Defense Board–Security Engagement Board (MDB-SEB) na isang restricted area na kung saan ay doon dinala si US Marines Private First Class Joseph Scott Pemberton mula sa US ship na nakadaong sa Olongapo City.

Si  Pemberton ay kinasuhan ng murder dahil sa pagpatay kay Laude noong Oktubre 11 sa isang lodge sa Olongapo City.

Matapos na umakyat si  Sueselbeck na nakunan pa ng news video footage na tinutulak ang isang sundalong nagbabantay na pumi­pigil sa kanya.

Samantala, sa isang panayam sa radio ay humingi ng paumanhin si Sueselbeck at hindi umano niya intensyon na bastusin ang mga otoridad dahil nais lang niya malaman maging ang pamilya ng kanyang fiancee na naroon si Pemberton.

 

ANY MILITARY BASE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUREAU OF IMMIGRATION

CAMP AGUINALDO

GERMAN EMBASSY

JENNIFER

MARC SUESELBECK

OLONGAPO CITY

SUESELBECK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with