Hacienda Binay napasok ni Trillanes at mediamen
ROSARIO, Batangas, Philippines— Kasama ni Senador Antonio Trillanes IV ang mga miyembro ng media nang makapagsagawa kahapon ng ocular inspection sa “Hacienda Binay” kahit pa noong una ay hindi pinayagang makapasok sa kontobersiyal na lupain na sinasabing pag-aari ng pamilya ni Vice President Jejomar Binay na inaangkin ng negosyanteng si Antonio Tiu.
Nabatid na dakong alas-12:00 ng tanghali nang dumating si Trillanes kasama ang mga miyembro ng media sa Sunchamp Agri-Tourism Park pero hindi pinayagang makapasok ng mga bantay sa unang gate na malapit sa Batangas Racing Circuit.
Makalipas ang ilang oras ay pinapasok na ang grupo at personal na sumalubong sa gate si Tiu, dinala niya si Trillanes at ang media sa sinasabing mansion na tinatawag na pavilion.
Pinuntahan rin ang orchid garden na pinauupahan umano ni dating Makati Mayor Elenita Binay sa halagang P90,000 bawat taon.
Sinabi ni Trillanes na makikita naman ang karangyaan ng Hacienda na tinawag niyang “lavish, excessive at obsene”.
- Latest