MANILA, Philippines - Muling nabanaag ang “faint crater glow” o bahagyang pamumula sa bunganga ng Bulkang Mayon, kamakalawa ng gabi.
Batay sa 24-oras na monitoring ng Phivolcs, nakapagtala ng apat na volcanic earthquakes at tatlong rockfall events sa bulkan. Umabot naman sa 272 tonnes ang nasukat na ibinugang asupre nito.
Nananatili ang Mayon sa alert level 3 kung saan posible ang “hazardous eruption” sa loob ng ilang linggo.
Bahagyang natibag ang lava dome sa bunganga ng bulkan dahil sa pressure ng pinakabagong lava flow na namataan sa Mayon nitong Linggo.
Matapos ang aerial survey nitong Lunes, napag-alamang umabot sa 300-400 metro ang pinakabagong lava flow sa Mayon.