^

Police Metro

Pamumula sa bunganga ng Mayon nabanaag

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling nabanaag ang “faint crater glow” o bahagyang pamumula sa bunganga ng Bulkang Mayon, kamakalawa ng gabi.

Batay sa 24-oras na monitoring ng Phivolcs, nakapagtala ng apat na volcanic earthquakes at tatlong rockfall events sa bulkan. Umabot naman sa 272 tonnes ang nasukat na ibinugang asupre nito.

Nananatili ang Mayon sa alert level 3 kung saan posible ang “hazardous eruption” sa loob ng ilang linggo.

Bahagyang natibag ang lava dome sa bu­nganga ng bulkan dahil sa pressure ng pinakabagong lava flow na namataan sa Mayon nitong Linggo.
Matapos ang aerial survey nitong Lunes, napag-alamang umabot sa 300-400 metro ang pinakabagong lava flow sa Mayon.

BAHAGYANG

BATAY

BULKANG MAYON

LINGGO

MATAPOS

MAYON

NANANATILI

PHIVOLCS

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with