MANILA, Philippines - Natuluyan sa ikalawang suicide attempt ang isang 34-anyos na lalaki nang ito ay magbigti sa loob ng kanilang bahay dahil sa labis na nararanasang depresyon.
Bagama’t nadala sa pagamutan ay idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Simplicio Reyes, residente ng 4 E. Angeles St., Barangay Sto. Tomas, Pasig City.
Bago ang pagkadiskubre nang pagbibigti ng biktima ng kanyang ina na si Anecita dakong alas-12:30 ng tanghali ay pinakain pa ito ng almusal ng nanay na may lalakarin na mahalagang bagay.
Makalipas ang ilang oras sa pagbabalik ng nanay ay nakita ang anak na nakabigti gamit ang sinturon.
Sa salaysay ng ina na ang kanyang anak ay
dumaranas ng matinding depresyon na posibleng dahilan ng pagpapakamatay nito.
Inamin din ng ginang na dating naging drug dependent ang anak, subalit
nagamot na ito nang magpasailalim sa rehabilitasyon.
Una nang tinangka ng biktima ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng paghiwa sa pulso, subalit naagapan ito.