2 miyembro ng criminal gang patay sa shootout

MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad ang dalawang lalaki na umano ay miyembro ng isang sindikatong kriminal habang isang opisyal ng pulisya ang nasugatan sa naganap na shootout kamakalawa sa Brgy. San Antonio, Boljoon, Cebu.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Arnel Coronel at isang alyas Titing; pawang miyembro ng Ganyolon-Salonoy Coronel syndicate.

Nasugatan naman si P/Inspector Dexter Basirgo.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-12:22 ng tanghali ay nagresponde sa lugar ang mga otoridad matapos mala­man na nandun si Coronel at mga kasama nito.

Agad na nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang dalawang suspek na ina­bandona ng mga kasamahan.

Ang nasabing sindikato ay sangkot sa talamak na robbery/holdup, illegal drugs, gun for hire, rape at extortion.

Show comments