Trader dedo sa magnanakaw

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng may-ari ng flower shop ang pinatay sa saksak ng hindi pa kilalang suspek na pumasok sa kanyang tindahan kamakalawa sa Sitio Sikatuna, Brgy. Day-as, Cebu City. Ang nasawi ay kinilalang si Daniel Canete, 45, na nagtamo ng mga saksak sa iba’t  ibang bahagi ng katawan sa loob ng pag-aari itong Jun Canete Flower Shop sa lugar. Nakitaan din ng pulisya ng mga bakas ng galos sa katawan ang biktima na  palatandaan na nanlaban. Sinisilip ng Cebu City Police ang anggulo ng pagnanakaw sa motibo ng krimen dahil nawawala ang tinatayang P250,000 cash na kinita ng shop ng biktima.

Show comments