MANILA, Philippines - Ibinasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration na inihain ni dating Sandiganbayan 4th division chairman Associate Justice Gregory Ong na humihingi na baguhin ang naunang September 23 ruling na nagtatanggal sa kanya sa serbisyo dahil sa kaugnayan nito sa tinaguriang Pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles matapos na ito pagtibayan ng Supreme Court (SC).
Ayon kay SC spokeperson Atty. Theodore Te, sa nasabing desisyon, walang matatanggap na anumang benipisyo mula sa gobyerno maliban sa kanyang mga accrued leave benefits at hindi na maaaring magtrabaho sa gobyerno.
Maalala na mismong ang SC ang nagkusa ng imbestigasyon laban sa umano’y kaugnayan ni Ong kay Napoles.
Lumabas sa pag-iimbestiga na nakatanggap ng malaking halaga si Ong mula kay Napoles kapalit ng pag-absuwelto rito sa kasong kinakaharap kaugnay ng maanomalyang pagbili ng 500 na mga Kevlar Helmets para sa Philippine Marines noong 1998.