Mike Arroyo pinayagang mag-abroad ng Sandigan

MANILA, Philippines - Makakalabas na ng bansa si dating First Gentleman Mike Arroyo para sa isang linggo ng pagtungo nito sa Japan at Hong Kong matapos payagan ng  Sandiganbayan.

Subalit, sinabi ni Associate Justice Roland Jurado, chairman ng anti-graft court 5th  Division na  may kundisyon ang pagpapahintulot kay Arroyo sa kanyang pagtungo sa naturang mga bansa.

Ito ay kailangang maiprisinta niya ang photocopy ng kanyang  passport  limang araw makaraang bumalik sa Pilipinas.

Kung hindi agad makakabalik si Arroyo sa bansa at hindi makakadalo sa pagdinig sa kaso nito ay hindi na ito hihintayin bagkus ay itutuloy nila ang naitakdang court proceedings sa kaso nitong graft may kinalaman sa PNP chopper scam.

Show comments