MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang Koreano nang ito ay ipaaresto ng pamunuan ng isang hotel sa Pasay City dahil sa hindi pagbabayad sa bill nito kamakalawa ng gabi.
Ang suspek na kinasuhan ng estafa ay kinilalang si Lee Jae-in, 55.
Sa ulat, nag-check-in sa Atrium Hotel na nasa Sen. Gil Puyat Avenue si Lee nitong Setyembre 29 at inokupa ang Unit 2014.
Tumagal ang pananatili nito sa hotel sa loob ng 18 araw at umabot sa P67,608 ang inabot ng kanyang bayarin.
Nitong nakaraang Biyernes ng gabi, ay tinakasan ng suspek ang bayarin, subalit naharang ito ng mga empleyado hanggang sa tumawag ng pulis at ipinaaresto ang suspek.