^

Police Metro

Koreanong hindi nagbayad sa hotel, kalaboso

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang Koreano nang ito ay ipaaresto ng pamunuan ng isang hotel sa Pasay City dahil sa hindi pagbabayad sa bill nito kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na kinasuhan ng estafa ay kinilalang si Lee Jae-in, 55.

Sa ulat, nag-check-in sa Atrium Hotel na nasa Sen. Gil Puyat Avenue si Lee nitong Setyembre 29 at inokupa ang Unit 2014.

Tumagal ang pananatili nito sa hotel sa loob ng 18 araw at  umabot sa P67,608 ang inabot ng kanyang bayarin.

Nitong nakaraang Biyernes ng gabi, ay tinakasan ng suspek ang bayarin, subalit naharang ito ng mga empleyado hanggang sa tumawag ng pulis at ipinaaresto ang suspek.

vuukle comment

ATRIUM HOTEL

BIYERNES

GIL PUYAT AVENUE

KALABOSO

KOREANO

LEE JAE

NITONG

PASAY CITY

SETYEMBRE

TUMAGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with