MANILA, Philippines – Nagpalabas ng advisory ang POEA (Philippine Overseas Employment Agency) na hindi muna papayagan ng pamahalaan ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs) na bumalik sa mga bansang apektado ng Ebola Virus Disease (EVD).
Sinabi ni POEA administrator Hans Leo Cacdac na ititigil muna nila ang pagproseso ng mga returning OFWs sa tatlong West African countries na apektado ng sakit, kabilang na ang Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Mananatili aniya ang naturang polisiya hanggang sa magkaroon ng kaukulang koordinasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH) at tuluyan nang matiyak ang kaligtasan ng mga OFWs.
Una na ring ipinagbawal ng POEA ang pagpapadala ng mga newly-hired OFWs sa Guinea, Liberia, Sierra Leone at iba pang bansang posibleng EVD-contaminated.