Driver huli sa ‘masturbate’

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 48-anyos na taxi driver nang maaktuhan ng pulisya na nagma-masturbate sa  harap ng dalawang dalagita sa loob ng ipinaradang sasakyan, sa madilim na bahagi ng Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act  7610 (Child Abuse Law) sa Manila Prosecutor’s Office ang suspek na si Edilberto Bartolome Y Lorenzo, walang asawa  ng Mahogany St., Pasig  City.

Nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang pulisya dakong alas-2:00 ng madaling-araw ng makita  ang nakaparadang taxi sa madilim na bahagi ng San Marcelino at Escoda sts., sa Ermita dahil nakitang nagma-masturbate ang suspek  habang pinanonood ng mga dalagitang nasa edad 13 at 15-anyos at tinaguriang “Mga Batang  Hamog”. (Ludy Bermudo)

Show comments