MANILA, Philippines - Itigil ang paggamit ng pangalan ni Pangulong Aquino.
Ito ang mensahe ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco kay Justice Secretary Leila de Lima matapos na ipagyabang nito na tanging si Pangulong Aquino o ang Ombudsman lamang ang may karapatan na iutos ang pag-iimbestiga kay Vice President Jejomar Binay, kanyang pamilya at iba pang personalidad na iniimbestigahan ng Senate sub-committee.
Ayon kay Tiangco inilalagay ni De Lima sa alanganin ang paggamit sa pangalan ng Pangulo Aquino na kung saan ay iisipin ng taumbayan na ito at ang Liberal Party ang nag-uutos sa imbestigasyon kay VP Binay at iba pang mga kontrobersiya tulad ng Napoles scam at ang Inekon, ang supplier ng Metro Rail Transit (MRT) na ibinulgar ng dating Czech Ambassador.
“The public cannot help but conclude that it was the President who ordered a stop in the investigation of the $30 million extort try involving MRT officials during the watch of Mar Roxas as Transportation Secretary, or the involvement of Liberal Party members in the PDAF scam,” wika ni Tiangco.
Kaya dapat ay itigil na ni De Lima ang paggamit sa pangalan ng Pangulong Aquino sa kanyang mga umano’y maling hakbang dahil sa dagdag lang ito sa maraming problema na kinakaharap nito. - Butch Quejada-