Ayon sa Obispo... impeach Binay, wrong move!
MANILA, Philippines - Kung sakali na ipa-impeach si Vice President Jejomar Binay ay isa umano itong maling hakbang na gagawin ng mga kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ang paniniwala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz dahil posibleng makuha pa ni VP Binay ang simpatya ng mga Pilipino kung maisasalang ito sa impeachment proceedings.
‘Huwag silang magkamaling gawin yan, impeach ang bise presidente, politically it is a wrong move’ , ani Cruz.
Ipinaliwanag ng Arsobispo na bagama’t bumaba ang rating ng Bise Presidente sa pagkakasangkot nito sa overpriced na Makati Parking Building II at ang pagkakaungkat ng hacienda Binay sa Batangas ay tiyak na muling aangat ang popularidad nito.
Naniniwala ang Arsobispo na ang impeachment sa ngayon ay hindi na isang ethical process kundi pulitical process lalo pa’t ang pagdedesisyon sa kaso ay base sa dami ng iyong kaalyado sa halip na pagbatayan ang bigat ng mga akusasyon.
Ang pahayag ni Cruz ay nang sabihin kamakailan ni Caloocan City Rep. Egay Erice na ipa-impeach si Binay na handa naman i-endorso ni Cavite, Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga.
- Latest