^

Police Metro

Para sa pansamantalang kalayaan... Tig-P11.6-M piyansa ng 17 pulis sa Maguindanao massacre

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Makakalaya ang 17 pulis na akusado sa Maguindanao massacre matapos na pagbigyan ng korte ang hirit nilang makapagpiyansa.

Sa omnibus order ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, ikinatwiran nitong mahina ang mga testimonya at document evidences laban sa 17 miyembro ng 1508th Provincial Mobile Group.
Kinilala ang 17 akusadong pulis na sina:
PO1 Herich Amaba; PO3 Rasid Anton; PO2 Hernanie Decipulo Jr.; PO3 Feliz Eñate Jr.; PO1 Esprielito Lejarso;PO1 Narkouk Mascud; SPO1 Eduardo Ong; PO2 Saudi Pasutan; PO1 Arnulfo Soriano; PO1 Pia Kamidon; PO3 Abibudin Abdulgani; PO2 Hamad Nana; PO1 Esmael Guialal; SPO1 Oscar Donato; PO1 Abdullah Baguadatu; PO2 Saudiar Ulah; at P/Insp. Michael Joy Macaraeg.

Ang inirekomendang piyansa ni Reyes ay P200,000 at dahil 58 counts ng murder ang kinahaharap ng bawat isang akusado ay kailangang magbayad ng tig-P11.6 milyon ng 17 pulis para sa pansamantala nilang kalayaan.

Magugunitang Nobyembre 23, 2009 nangyari ang tinaguriang Maguindanao massacre at umabot sa 58 ang nasawi kabilang ang 32 mediamen at ang pamilya Ampatuan ang itinuturong utak ng krimen.

ABDULLAH BAGUADATU

ABIBUDIN ABDULGANI

ARNULFO SORIANO

EDUARDO ONG

ESMAEL GUIALAL

ESPRIELITO LEJARSO

FELIZ E

HAMAD NANA

HERICH AMABA

HERNANIE DECIPULO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with