^

Police Metro

Conspiracy theory kinontra... SWS: Ratings ni VP Binay, muling bumagsak

Angie dela Cruz, Malou Escudero at Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling sumadsad ang ratings ni Vice President Jejomar Binay sa pinakamababa simula nang manungkulan noong 2010 dahil sa kasunod ng kaliwa’t kanang kontro­bersya tulad ng overpriced na Makati Parking Building.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Set­yembre 26 hanggang 29, bumagsak ng 15 puntos ang net satisfaction ratings ng bise presidente.

Mula sa +67 noong Hunyo,+52 na lang ang ratings ni Binay bagama’t nananatili sa “very good.”
Sa +52,70% ng mga Pinoy ang nagsabing kuntento sa trabaho ni Binay habang 17% ang dismayado.
Nang umupo noong 2010, nag-umpisa sa 58 ang net satisfaction ratings ni Binay at sumadsad sa da­ting pinakamababa na +57 noong Nobyembre 2010.

Nito lang Marso 2014, +73 pa ang net satis­faction ratings ni Binay bago tuluyang bumaba.
Kabilang sa mga kontro­bersyang kinahaharap nga­yon ng bise presidente ay ang maanomalya umanong pagpapatayo ng Makati City Hall Buil­ding II at kuwestyunable umanong hacienda at mga negosyo.

Kamakailan ay lumabas sa resulta ng survey ng Pulse Asia na bumagsak ng 10 por­s­yento ang Presidentiable Survey Rating ni Binay noong Setyembre habang domoble ang angat ng rating ni DILG Secretary Mar Roxas na ngayon ay pumapangalawa na sa listahan ng mga na­ngungunang kandidato na pinagpipi­lian para ma­ging susunod na Pangulo.

Pinabulaanan naman kahapon ni Senator Antonio Trillanes ang ulat na mayroong sabwatan ngayong nagaganap upang maitsapuwera sa 2016 presidential elections si Vice President Jejomar Binay.

Anya, walang katotohanan ang nasabing ulat at kung bumaba man ang rating ni Binay ay dahil nakikita ng mga mamamayan ang katotohanan sa mga isinagawang pagdinig sa Senado at hindi siya bahagi ng nasabing conspiracy theory at hindi maaaring ‘politically motivated” ang nangyayaring hearing.

Ikinagulat naman ng kampo ni Binay ang resulta ng pinakahuling survey.

Ayon sa tagapagsa­lita nitong si Governor Jonvic Remulla, nagpapasalamat sila sa publiko sa mataas pa ring ratings ng bise presidente sa kabila ng mga paninira rito

BINAY

GOVERNOR JONVIC REMULLA

MAKATI CITY HALL BUIL

MAKATI PARKING BUILDING

PRESIDENTIABLE SURVEY RATING

PULSE ASIA

SHY

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with