Libong katao apektado... 2 patay, 7 nawawala sa baha
MANILA, Philippines - Dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan na sanhi ng Inter-Tropical Convergence Zone sa Western Visayas at Central Mindanao ay libong residente ang naapektuhan ng baha na kung saan ay naiulat ang pagkasawi ng dalawang katao at pagkawala ng pitong iba pa.
Sa report kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga nasawing sina Angelo Clavines,10 sa Molo, Iloilo City, at Adan Anacan ng Leganes, Iloilo matapos kapwa makuryente sa baha.
Ang mga nawawala matapos tangayin ng rumaragasang baha ay sina John Paul Obaridas, 15 at Anthony Jardaleza, 16, at tatlong inaalam pa ang mga pangalan na kapwa residente ng Mandurriao, Iloilo City.
Nawawala rin ang magsasakang si Maungko Mastura, 35, na tinangay ng malakas na agos habang tumatawid sa Lumabka River sa Brgy. Buyo sa bayan ng Buldon at Gilbert Columbres, 29 na inabutan naman ng baha habang tinatangkang tumawid sa Simuay River, Pigcawayan, North Cotabato.
Nasa 11,688 pamilya o kabuuang 58,666 katao mula sa Region VI, IX at Autonomous Region in Muslim Mindanao ang apektado ng mga pagbaha sa may 51 barangay at kasalukuyang nasa mga evacuation centers.
Nabatid pa na nasa 50 bahay.
- Latest