^

Police Metro

Walang pampalibing, sanggol itinapon sa kanal

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinihinala ng pulisya dahil sa kakapusan ng pera para bigyan ng disenteng libing ang isang bagong silang na sanggol na babae na namatay habang iniluluwal ay itinapon na lang sa estero sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakabalot sa plastic ang bangkay ng sanggol nang mapulot ng mga nagsasagawa ng clean-up drive.

Ayon sa kagawad ng barangay 154 na si Rosario Peña, naglilinis ang ilang kawani ng Pasig River Rehabilitation Commission sa Estero Kabulusan sa kahabaan ng Old Torres Street malapit sa kanto ng Juan Luna Street nang mapansin ang naka-plastic na bangkay ng sanggol. 

Duda silang patay na nang isilang ang sanggol dahil nakakabit pa ang umbilical cord nito.
Inaalam na ng mga barangay official kung may nanay na kapapa­nganak lamang sa lugar at sa kalapit nitong barangay.

AYON

DUDA

ESTERO KABULUSAN

HINIHINALA

JUAN LUNA STREET

OLD TORRES STREET

PASIG RIVER REHABILITATION COMMISSION

ROSARIO PE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with