Lola utas sa motor
MANILA, Philippines - Patay ang isang 64-anyos na lola makaraan itong masagasaan ng isang humahagibis na motorsiklo sa highway ng Brgy. Sumadat, Dumalinao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Juanita Patalan, residente ng nasabing lugar, dead on the spot sa tinamong matinding sugat sa kaniyang ulo at iba pang bahagi ng kaniyang katawan.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi kung saan habang ito ay tumatawid ay bigla na lamang masapol ng isang rumaragasang kulay pulang motorsiklong Honda (YDA 248) na minamaneho ni Anecito Gutana, 25, seaman ng Pagadian City.
Nabagok pa ang ulo ng biktima sa kalsada bukod pa sa tinamong sugat sa iba pang bahagi ng kaniyang katawan. Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.
- Latest