MANILA, Philippines - Umaabot sa may 350 law graduates ang umatras sa Bar examinations.
Ito naman ang inilabas na pahayag ng Office of the Bar Confidante kahapon kung saan nakasaad na sa 6,344 pasok sa bar exams, 348 ang hindi dumating sa unang linggo ng exams sa University of Santo Tomas.
Lumilitaw na pinasukan ng 5,996 ang morning session ng “Political and Public International Law” subalit pagdating ng afternoon session na “Labor and Social Legislation” dalawang examinees ang hindi na pumasok kung kaya’t naging 5,994 na lang ang examinees.
Ayon sa OBC mas mahirap pang pagsusulit ang pagdadaanan ng 5,994 kung saan inaasahang mas mahihirap na ang exams.
Pinapayuhan ng SC ang mga examinees na dumating ng maaga sa UST upang maiwasan ang anumang aberya.