^

Police Metro

Salisi gang na ginang tiklo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 40-anyos na ginang na miyembro ng Salisi gang ang natiklo ng otoridad nang  makita siya sa cctv camera na kasama sa apat na suspek na kumuha ng bag ng isang estudyanteng Korean national sa Quezon City.

Ang suspek na nakakulong ay kinilalang si Erlinda Lambarijan, residente sa Sampaloc Manila, habang pinaghahanap pa ang tatlo nitong kasamahan.

Ayon sa reklamo ng biktimang si Lee Eunbi, 21, dalaga, estudyante at nanunuluyan sa Victoneta Potrero Malabon City sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas 8:30 ng gabi sa 2nd floor ng isang mall sa North Avenue, Edsa, partikular sa labas ng Dairy Queen ice cream house.

Sinasabing nakaupo ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ng mapunang wala na sa kanyang tabi ang itim na bag at napansin din nito ang apat na suspek na mabilis na nag-alisan ng hinahanap na ang bag kaya naman mabilis nitong sinundan ang mga suspek at kinompronta. Sinubukang awatin ng guwardiyang si Elmer Ramirez  ang biktima at suspek at inaresto ang huli. 

Nang siyasatin ang cctv ng mall ay nakita si Lambarijan  na siyang kumuha sa bag ng biktima at ipinasa sa mga kasamahan nitong nagsitakas.

Ang bag ng biktima ay naglalaman ng isang Samsung Galaxy note (P45,000) wallet na may lamang cash na P5,000; at mga importanteng mga gamit pambabae.

AYON

DAIRY QUEEN

ELMER RAMIREZ

ERLINDA LAMBARIJAN

LEE EUNBI

NORTH AVENUE

QUEZON CITY

SAMPALOC MANILA

SAMSUNG GALAXY

VICTONETA POTRERO MALABON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with