MANILA, Philippines - Pinagbibitiw ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal si Pangulong Noynoy Aquino dahil na rin sa kawalan ng moral ascendancy.
Ayon kay Vidal na pinangungunahan ang grupong National Transformation Council lantaran na umanong nilalabag ng Pangulong Aquino ang Konstitusyon sa pamamagitan ng pangongorap sa Kongreso, pagbabanta sa hudikatura, sa judiciary, at pakikialam sa impeachment process.
Sakaling mag-resign si PNoy, maaari namang magbuo ng isang alternative government na kinabibilangan ng mga kababaihan at kalalakihan na may integridad upang maiwasan ang political vacuum.
Ang panawagan ng Obispo ay sinang-ayunan ng civil society kung saan nanawagan ang grupo ng agarang pagsasampa ng kasong criminal sa lahat ng mambabatas na sangkot sa pork barrel scandal at disbursement acceleration program.
Karamihan ng mga elective post sa lalawigan ng Cebu ay napanalunan at kontrolado ng mga miyembro ng Liberal Party ni PNoy noong May 2013 elections.