^

Police Metro

Collateral damage iniingatan sa pagsagip sa German couple sa kamay ng Abu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Upang walang magiging collateral damage ay pinag-aaralan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang istratehiya  sa opsyon nito upang iligtas ang mag-asawang Aleman sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr.”We are trying to analyze the situation on how, or which is better rescue or negotiations…we were told that they are still alive then negotiations are continuous”.

Kinakailangan anyang mag-ingat ang tropa ng militar upang hindi mapahamak ang mga hostages.

Nitong linggo ay umapela ang mga bihag na  mag-asawang Aleman na sina Stefan Viktor Okonek, 71 anyos at Herike Diesen, 55 anyos sa pamahalaan ng Pilipinas at Amerika na gumawa ng hakbang upang iligtas sila sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu na iniere sa isang radio station sa Zamboanga.

Ayon sa mag-asawang Aleman nahihirapan na umano sila sa kamay ng kanilang mga kidnappers sa pagpapalipatlipat ng lugar sa kagubatan at bukod dito ay bumagsak na rin ang kanilang kalusugan.

Ang mag-asawang Aleman ay dinukot ng mga bandido habang lulan ng yate sa karagatan ng Palawan noong Abril ng taong ito at itinago sa Sulu.

ABRIL

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ALEMAN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CHIEF OF STAFF GEN

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

HERIKE DIESEN

STEFAN VIKTOR OKONEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with