Sandigan pinababawi ang mga paintings ng mga Marcos
MANILA, Philippines – Limasin ang walong paintings kabilang ang paintings nina Michael angelo at Pablo Picasso na nasa pangangalaga ng pamilya Marcos.
Ito ang inutos ng Sandiganbayan sa Security and Sheriff’s Services Division.
Ayon sa Sandiganbayan First division, ang naturang mga paintings ay kailangang itago ng Bangko Sentral ng Pilipinas habang naka-pending ang resolution ng isang civil case na may kinalaman sa mga umanoy nakaw na yaman ng mga Marcos.
Ang desisyon ng graft court ay ginawa bilang aksiyon sa naisampang petisyon ng PCGG hinggil dito.
Ilan sa mga paintings na pinababawi ng gobyerno mula sa mga Marcos ay ang Madonna and Child by Michelangelo Bounarroti; Femme Couchee VI (Reclining Woman VI) by Pablo Picasso; Portrait of the Marqueza de Sta. Cruz by Francisco de Goya; Still Life with Idol by Paul Gaugin; LaBaignade Au Grand Temps by Pierre Bonnard; Vase of Chrysanthemums by Bernard Buffet; Jardin de Kew pres de la Serre 1892 by Camille Pisarro; L’Aube by Joan Miro.
- Latest