MANILA, Philippines – Napatunayan ang isang kasabihan na ang isang isda ay mahuhuli sa kanyang bibig.
Ito ang naging kaso ng FHM Model na si Alyzza Agustin nang ito ay mag-post sa kanyang Facebook at in-upload ang calling card ni Philippine National Police Director for Plans Chief Superintendent Alexander Ignacio na kanyang ginamit para makaiwas sa pagkahuli ng number coding sa isang lugar sa Metro Manila.
Umani ng batikos si Alyzza sa mga netizen sa ipinoste nito sa kaniyang Facebook account. “Please assist may EA, Alyzza Agustin” na nakasaad sa calling card na pirmado ni General Ignacio.
Kasunod ng photo ng calling card ay ang mga katagang sinulat ni Alyzza na kaniyang ipinoste ay ang “Nahuli na naman ako dahil coding but because of you Boss Alex wala ng huli huli. Thank you so much sa napaka-useful mong card with matching dedication’, ani Alyzza sa kaniyang post.
Nabatid pa na hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ng FHM model ang calling card ni Ignacio para makalusot sa number coding ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Nabatid na si Alyzza ay kabilang sa FHM 100 Sexiest Women sa buong mundo sa taong 2013.
Nagtataka rin ang netizen kung ano ang ibig sabihin ng EA na isinulat ng heneral habang ang iba naman ay may impresyon na baka umano nangangahulugan ito ng “Extrang Asawa” o maaaring kabit umano ng opisyal ang FHM model na dapat nitong sagutin.
Sinabi naman ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Wilben Mayor na si Ignacio ay nasa ibayong dagat at siya na ang bahala na magpaliwanag sa pagbalik nito sa bansa.