MANILA, Philippines - Naaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Konseho ng Quezon City ang kauna-unahang anti-discrimination ordinance na nagbibigay ng patas at pantay na pagtrato ng lipunan sa mga lesbian, gay, bisexual, transgender community.
Ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte na pinatutunayan ng Konseho ng Quezon City ang kakayahan nitong manguna at magsilbing halimbawa sa lahat pang mga konseho sa bansa, kung gugustuhin ay kayang kilalanin at bigyang katuparan ang pagsisimula ng pinapangarap na pagkakapantay-pantay.
Ang naaprubahang ordinansa ay kilala rin sa tawag na QC Gender Fair ordinance na iniakda ni Councilor Mayen Juico na nag-aalis ng diskrimasyon sa trabaho, edukasyon, natatanggap na serbisyo at akomodasyon mula sa QC government.