13-Anyos tinarget na parang ibon

MANILA, Philippines - Isang 13-anyos na binatilyo na mangangalakal ng basura ang nagmistulang ibon matapos na barilin ng isang sekyu kamakalawa ng hapon sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Mike Stainer ng no. 1730,  Road 3,  Punta, Sta.  Ana, Manila.

Habang ang suspek ay kinilalang si Gerald Loyd Bantigue, 27, binata, tubong Capiz, stay-in security guard ng Giant Eagle security Agency.

Sa ulat, bago ang pamamaril ay nangunguha ang biktima ng basura kasama sina Leo Tirades, 14; Marlon Nuñez, 12 at Joshua Llanera, 13, sa lugar na binabantayan ng suspek.

Bigla na lamang binaril ng suspek ang biktima na nahulog sa ilog-Pasig at dakong alas-3:00 ng hapon nang lumutang ang bangkay nito.

 

Show comments