MANILA, Philippines - Nagkaaberya muli ang Metro Rail Transit (MRT), kahapon ng umaga.
Sinabi ni Renato Jose, officer-in-charge ng MRT 3, alas-5:23 ng umaga nang hindi muna pasakayin ang mga pasahero sa ilang tren matapos ma-detect ang abnormalidad sa linya sa Ayala Station.
“Pagdating niya po ng Ayala naka-detect ito ng abnormality sa linya kaya hindi muna pinasakyan yung mga susunod na tren.
Kaya’t nagpatupad muna ng provisional service ang MRT kung saan bumibiyahe lang ang mga tren nito mula North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station balikan.
Alas-6:00 ng umaga naibalik na sa normal ang operasyon ng MRT.
Hindi pa naman maipaliwanag ni Jose kung anong uri ng abnormalidad ang naging problema.