SK registration hanggang ngayon na lang

MANILA, Philippines - Hanggang ngayong araw na lang, maaaring makapagparehistro ang mga edad 15-17 para makaboto sa halalan para sa Sangguniang Kabataan (SK) sa susunod na taon. 

Binago naman ang deadline ng registration para sa ilang lugar na kamakailan ay sinalanta ng Habagat at Bagyong Mario. 

Kabilang dito ang mga sumusunod:
Oband, Bulacan - Set­yembre 23 hanggang Oktubre 1; Cainta, Rizal-Setyembre 21 hanggang 30;
Ilocos Norte at Ilocos Sur - Setyembre 27 hanggang Oktubre 6.

Hinikayat din ng National Youth Commission ang mga kabataan na mag-selfie habang nagpaparehistro. 
Nanawagan din ang grupo sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na payagan ang mga estudyante na makapagparehistro. 

Batay sa Commission on Election (Comelec) Resolution No. 9899, gaganapin ang SK elections sa Pebrero 21, 2015. 

 

Show comments